ni Joshua S. Vacal
Hindi pa talaga ako nakakaranas ng talagang pagdiriwang ng Chinese New Year kasama ang aking pamilya kahit noong buhay pa ang tanging Chinese sa pamilya namin, ang aking lolo. Pumanaw siya noong isang taong gulang pa lamang ako.
Pero kasama ang ilan sa mga tita ko sa bahay na tinutuluyan ko ngayon, ipinagdiriwang pa rin namin ito kahit paano. Naghahanda kami ng mga pagkain at prutas na bilog. Nag-aalay kami at nagsasabit ng ubas sa loob ng bahay.
Taon-taon, sa aking paaralan, ay ipinagdiriwang namin ang Chinese New Year. Naghahanda sila ng mga gagawin ng mga estudyante. Nasasali ako sa mga ito lalo na sa pagkanta para sa Chinese New Year program, sa pagwu-wushu at sa pagtugtog ng “chang chang.” Ang chang chang ay isang instrumento na ginagamit sa lion dance. Minsan naman, kami ay nag-aalay-lakad sa mga kalsadang malapit.
Kapag nagkaroon na ako ng sariling kong pamilya, ipagdiriwang namin ito taon-taon at nang sama-sama.
No comments:
Post a Comment