Saturday, March 8, 2014

Mga Mananayaw sa Bawat Sulok ng Binondo



ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy

Bilang isang Filipino-Chinese, ipinagdiriwang ko at ng pamilya namin ang Chinese New Year.

Tuwing sasapit ang nasabing pista, kumakain kami sa labas. Ito ang nagsisilbing bonding time namin kasama ang mga kamag-anak na matagal nang hindi namin nakikita. Siyempre, hindi makukumpleto ang Chinese New Year kung walang ampao (hong pao). Nakakatanggap ako ng ampao mula sa aking mga magulang, tito at tita. Itinatago at iniipon ko ang mga ito.

Laging may lion at dragon dance sa Chinese New Year. Makakakita ka ng mga mananayaw sa bawat sulok ng Binondo. Bata pa lamang ako ay manghang-mangha na ako sa lion dance kaya noong mabigyan ako ng pagkakataon na makasali sa isang grupong nagtuturo ng lion dance ay hindi ko na ito pinalampas. Sa pagsali ko rito, natuklasan kong may talento pala ako. Iyon nga lang, sa drumming.

Ngayon, hindi man ako nagla-lion dance tulad ng pangarap ko, ako naman ay isang drummer. Kung walang drummer, walang buhay ang pagsasayaw ng lion dance.

No comments:

Post a Comment