Saturday, March 8, 2014
Salubong
ni Mark Eddril O. Lao
Sa pagsalubong sa Chinese New Year, narito ang ilan sa ginagawa ng aming pamilya:
1. Pag-iingay
Nagpapaputok kami, naniniwala kaming dahil sa ingay ay mawawala ang masasamang espiritung umaali-aligid sa atin.
2. Pagkain ng Tikoy
Isa sa mga kinakain namin ang tikoy. Simbolo ito ng pagiging malapit sa isa't isa ng bawat miyembro ng pamilya. Katulad ng tikoy na malagkit, magiging madikit ang relasyon namin sa isa't isa anumang suliranin ang kakaharapin. Handang tulungan ang bawat isa. Hinding-hindi iiwan at pababayaan ang kapamilya dahil samalasakit sa isa't isa. Iyan ang mga dahilan kung bakit hindi nawawala sa hapag-kainan ng mga Tsino ang pagkaing ito.
3. Pagpunta sa Templo
Nagpupunta kami sa templo para magpasalamat sa mga diyos. Inilalagay namin sa isang espesyal na papel ang lahat ng. kahilingan para sa taon na iyon. Tapos ay sinusunog namin ang mga papel. Sayang at hindi kami madalas magpunta sa mga templo. Pero patuloy pa rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga pagpapalang natatanggap namin.
4. Pagsasabit ng Simbolo ng Suwerte
Kadalasan, sinasabit ito ito nang pabaligtad sa pintuan dahil sa paniniwalang papasok raw ang suwerte pag ganon. Hindi kami naglalagay ng ganoon, pero nagsasabit kami ng 8 oranges o iba pang mga bagay na siyang maglalaan din ng suwerte.
5. Pagdalaw sa mga Kamag-anak
Madalas ay magkakasabay kaming kumain. Ito rin ang.pagkakataon namin para kamustahin ang isa't isa, maglibang at iba pa. May mga pagkakataon na sila mismo ang.pumupunta sa bahay at sabay-sabay naming sasalubungin ang taon.
Hindi ganoon kagarbo ang handa namin lalo na't mas sinasalubong pa rin namin ang Bagong Taon nating mga Pilipino kaysa sa Chinese New Year. Pero ang mahalaga ay sama-sama kami sa espesyal na okasyon tulad nito at dahil dito, lalong napapatibay ang buklod at pagkakaisa sa aming pamilya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment