Divistorya
Koleksiyon ng Tula at Sanaysay
ng Kabataang Filipino
Mga Estudyante ng Filipino I
Ikalawang semestre, 2013-2014,
Philippine Cultural College
Maynila, Pilipinas
Saturday, March 8, 2014
Copyright page
Divistorya
Koleksiyon ng Sanaysay at Tula ng Kabataang Filipino
Karapatang-ari 2014 © Mga Estudyante ng Filipino 1, Ikalawang Semestre, 2013-2014, Philippine Cultural College
Nananatili sa mga may-akda ang karapatang-ari ng kani-kanilang likha.
Nakalaan ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa pagsisipi at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa mga may-hawak ng karapatang-ari.
Inilathala ng Mga Estudyante ng Filipino 1,
Ikalawang Semestre, 2013-2014, Philippine Cultural College,
1253 Jose Abad Santos Ave. Tondo, Manila Philippines 1012
Tel. No.: (02) 252 0501, magpakonekta sa College Department
Pinamatnugutan ni Beverly Siy
beverlysiy@gmail.com
Pinangasiwaan nina Joshua Vacal at Janelyn Choi
Mga likhang-sining sa pabalat (harap at likod) ni Janelyn Choi
Layout at book design ni Kelvin Kayne Ang
Koleksiyon ng Sanaysay at Tula ng Kabataang Filipino
Karapatang-ari 2014 © Mga Estudyante ng Filipino 1, Ikalawang Semestre, 2013-2014, Philippine Cultural College
Nananatili sa mga may-akda ang karapatang-ari ng kani-kanilang likha.
Nakalaan ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa pagsisipi at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa mga may-hawak ng karapatang-ari.
Inilathala ng Mga Estudyante ng Filipino 1,
Ikalawang Semestre, 2013-2014, Philippine Cultural College,
1253 Jose Abad Santos Ave. Tondo, Manila Philippines 1012
Tel. No.: (02) 252 0501, magpakonekta sa College Department
Pinamatnugutan ni Beverly Siy
beverlysiy@gmail.com
Pinangasiwaan nina Joshua Vacal at Janelyn Choi
Mga likhang-sining sa pabalat (harap at likod) ni Janelyn Choi
Layout at book design ni Kelvin Kayne Ang
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon ni Beverly Siy
I. Mga Tula
Tara sa Divi ni Kristine Nouvelle Taneda
Bagsakan ni Mark Eddril O. Lao
Amoy ni Jemlyn B. Salvado
Kahit pa ni Danica Dean
Tayo ay Nagkakilala ni Mark John Christian B. Lim
Camille ni Karl Alberto Uy
Paghihintay ni Wrenz Martin Pascual
Sa Tabora ni Mark John Christian B. Lim
Laking Binondo ni Joshua Vacal
Makadiyos ng Binondo ni Gerome Go Chang
PCC: Tahanan ni Mark Eddril O. Lao
Babaita ni Camille Deidree Ching
Hiling ni Ralph Cedric Ngo
Mahirap ang Tumula ni Irvin Hudson Chen
D’yan ni Jovelyn N. Yap Anching
Tindero ni Janelyn T. Choi
Kapatid ng Lansangan ni Mark Eddril O. Lao
II. Mga Sanaysay
A. Biyahe
Lunes ni Irvin Hudson C. Chen
Spartan at Zombie ni Mark John Christian B. Lim
Wala ka pa sa iyong pupuntahan… ni Mariane Charmaine Manungay
Kadulu-duluhan ng Valenzuela City ni Janelyn T. Choi
Tatlo-tatlo ni Wrenz Martin Pascual
Biyahe mula Bahay Hanggang PCC/Divisoria ni Jovelyn N. Yap-Anching
Iba-iba, Sari-sari, Kayang-kaya ni Gerome Go Chang
Batang Divi ni Joshua S. Vacal
Kapiranggot na Kasaysayan ng Ilang Kalye sa Divisoria
nina Camille Deidree Ching, Joshua Vacal at Danica Dean
B. Buhay-Kolehiyo
Kukunin Ko Raw ba ‘Yong Loyalty Award? ni Wrenz Martin Pascual
Ang Nakaraan at Ang Kasalukuyan ni Irvin Hudson C. Chen
Mga Tao sa Aking Paligid ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy
Ako at ang PCC ni Jemlyn B. Salvado
Para na rin sa Kalusugan ni Janelyn Choi
Nang Magwakas ang Pangarap kong Maging Chef ni Kristine Nouvelle Taneda
Noong Una… ni Joshua S. Vacal
Sa Aking Paaralan at Sa Aking Kurso ni Gerome Go Chang
Yummy Career ni Ralph Cedric Ngo
Katahimikan, Kadaldalan, Kaibigan ni Jemlyn B. Salvado
C. Pagdiriwang
Spring Festival sa Pilipinas ni Irvin Hudson C. Chen
Kasabay ng Countdown sa China ni Janelyn Choi
Ang Tindahan ni Gerome Go Chang
Mga Mananayaw sa Bawat Sulok ng Binondo
ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy
At Higit sa Lahat ay Maligaya ni Wrenz Martin Pascual
Salubong ni Mark Eddril O. Lao
Ang Alay ng Alalay ni Jemlyn B. Salvado
Ama ni Jovelyn N. Yap Anching
Ang Napansin Ko Lang ni Ralph Cedric Ngo
Ang Kanilang Pagkakaisa at Ang Ating Pakikiisa
ni Mariane Charmaine Manungay
Taon-taon, Sama-sama ni Joshua S. Vacal
Pasasalamat
Direktoryo ng mga May Akda
I. Mga Tula
Tara sa Divi ni Kristine Nouvelle Taneda
Bagsakan ni Mark Eddril O. Lao
Amoy ni Jemlyn B. Salvado
Kahit pa ni Danica Dean
Tayo ay Nagkakilala ni Mark John Christian B. Lim
Camille ni Karl Alberto Uy
Paghihintay ni Wrenz Martin Pascual
Sa Tabora ni Mark John Christian B. Lim
Laking Binondo ni Joshua Vacal
Makadiyos ng Binondo ni Gerome Go Chang
PCC: Tahanan ni Mark Eddril O. Lao
Babaita ni Camille Deidree Ching
Hiling ni Ralph Cedric Ngo
Mahirap ang Tumula ni Irvin Hudson Chen
D’yan ni Jovelyn N. Yap Anching
Tindero ni Janelyn T. Choi
Kapatid ng Lansangan ni Mark Eddril O. Lao
II. Mga Sanaysay
A. Biyahe
Lunes ni Irvin Hudson C. Chen
Spartan at Zombie ni Mark John Christian B. Lim
Wala ka pa sa iyong pupuntahan… ni Mariane Charmaine Manungay
Kadulu-duluhan ng Valenzuela City ni Janelyn T. Choi
Tatlo-tatlo ni Wrenz Martin Pascual
Biyahe mula Bahay Hanggang PCC/Divisoria ni Jovelyn N. Yap-Anching
Iba-iba, Sari-sari, Kayang-kaya ni Gerome Go Chang
Batang Divi ni Joshua S. Vacal
Kapiranggot na Kasaysayan ng Ilang Kalye sa Divisoria
nina Camille Deidree Ching, Joshua Vacal at Danica Dean
B. Buhay-Kolehiyo
Kukunin Ko Raw ba ‘Yong Loyalty Award? ni Wrenz Martin Pascual
Ang Nakaraan at Ang Kasalukuyan ni Irvin Hudson C. Chen
Mga Tao sa Aking Paligid ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy
Ako at ang PCC ni Jemlyn B. Salvado
Para na rin sa Kalusugan ni Janelyn Choi
Nang Magwakas ang Pangarap kong Maging Chef ni Kristine Nouvelle Taneda
Noong Una… ni Joshua S. Vacal
Sa Aking Paaralan at Sa Aking Kurso ni Gerome Go Chang
Yummy Career ni Ralph Cedric Ngo
Katahimikan, Kadaldalan, Kaibigan ni Jemlyn B. Salvado
C. Pagdiriwang
Spring Festival sa Pilipinas ni Irvin Hudson C. Chen
Kasabay ng Countdown sa China ni Janelyn Choi
Ang Tindahan ni Gerome Go Chang
Mga Mananayaw sa Bawat Sulok ng Binondo
ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy
At Higit sa Lahat ay Maligaya ni Wrenz Martin Pascual
Salubong ni Mark Eddril O. Lao
Ang Alay ng Alalay ni Jemlyn B. Salvado
Ama ni Jovelyn N. Yap Anching
Ang Napansin Ko Lang ni Ralph Cedric Ngo
Ang Kanilang Pagkakaisa at Ang Ating Pakikiisa
ni Mariane Charmaine Manungay
Taon-taon, Sama-sama ni Joshua S. Vacal
Pasasalamat
Direktoryo ng mga May Akda
Introduksiyon
‘Te, ano pong hanap n’yo?
Pasok po.
Meron kami niyan dito.
Maligayang pagdating sa Divistorya, kaibigan!
Ang Divistorya Koleksiyon ng Sanaysay at Tula ng Kabataang Filipino ay binubuo ng 17 tula at 30 sanaysay na isinulat mula Enero hanggang Pebrero 2014 sa loob at labas ng aming classroom. Ito ang huling kahingian sa aking klase, Filipino 1, ng ikalawang semestre ng akademikong taong 2013-2014.
Labinlima ang mga manunulat nito at sila ay mga estudyante ng Filipino 1 ng Philippine Cultural College, isang bagong kolehiyo sa Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.Iba-iba ang kursong inaaral ng aking mga estudyante. Mayroong kumukuha ngBS Business Administration, ng BS Information Technology, ng BS Tourism, at ng BS Hotel and Restaurant Management. Ang mga estudyante ko ay nasa 17 hanggang 21 taong gulang at naninirahan sa Maynila, Malabon, Caloocan City, Quezon City at Valenzuela City.
Ang aklat na ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang una ay naglalaman ng tula at ang ikalawa, sanaysay. Itinampok sa mga akda ang sumusunod:
1. pagbiyahe mula sa tahanan hanggang eskuwelahan, hirap at panganib sa public transportation, at masalimuot na mga kalye ng Divisoria,
2. buhay-kolehiyo, pagpili ng paaralan at kurso atnakilalang mga kaibigan (at crush), at;
3. kultura ng Filipino Chinese na makikita sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ipinanukala ko ito sa klase noong Nobyembre 2013. Naisip kong ipuhunan sa akda ang napakagandang lokasyon ng aming kolehiyo sapagkat ilang minutong lakaran lang ay nasa kasagsagan na kami ng Divisoria.
Divisoria,ang marumi, mabantot at masikip na Divisoria.
Na sa totoong buhay ay sentro ng kalakalan ng Maynila.At ayon pa sa Wikipilipinas.org ay sentro ng kalakalan ng buong National Capital Region. Sakop nito ang Binondo, Tondo at San Nicolas.
Dahil sa pagiging sentro ng kalakalan, likas lamang na napakaraming uri ng tao, bitbit ang sariling wika at kultura, ang nagkakatagpo-tagpo rito. Samakatuwid, napakayaman ng Divisoria, hindi lamang sa larangan ng kalakalan, kundi pati sa kultura. Ay, bakit nga ba bihira itong maitampok bilang isang batis ng mga personal na naratibo?
At sa palagay ko, ang nararapat na magbahagi ng mga naratibong ito ay walang iba kundi ang mga indibiduwal na nakakaranas ng ganitong lunan. Isang malaking bentahe ang punto de bista ng aking mga estudyante, silang mga nasa Divisoria araw-araw (maliban na lamang kung walang pasok), linggo-linggo, mapa-Chinese New Year o Christmas season.
Tuwang-tuwa ako sa mga isinulat nila.Sa mga akda ay lumabas kung gaano sila ka-observant sa kapwa, kung ano ang pananaw nila sa pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang Filipino at Chinese, kung gaano nila kamahal ang sariling pamilya, at pati ang mga tradisyon na bagama’t noong una’y hindi nila lubos na maunawaan ay pinagsisikapan naman nilang sundin at maipagpatuloy, kung gaano kaimportante ang kaibigan (at crush) at mga kasama sa eskuwela bilang support group sa kolehiyo, kung paano nilang sinusuri ang problemang panlipunan, at kung paano nila kinikilala ang lugar at ang kultura nitomula sa kanilang puwesto.
Hindi man malay ang mga estudyante noong isinusulat nila ang kanilang mga akda, ang aklat na ito ay maaaring makapagbigay-inspirasyon sa mga taga-Divisoria at taga-Maynila na maglahad pa, magkuwento at lumikha ng marami pang naratibo.
Tungkol saan? Tungkol sa mga sarili sapagkat ang kanilang lugar, ang puwesto ng mga kalakal, ang kanilang tahanan, ay isang napakayaman na tagpuan.
Iyan ang dahilan kung bakit laging naririnig dito ang mga katagang:
‘Te, ano pong hanap n’yo?
Pasok po.
Meron kami niyan dito.
Maligayang pagdating sa Divistorya!
Beverly W. Siy
Kamias, Quezon City
Marso 2014
Tara sa Divi
Bagsakan
Amoy
Kahit pa
Tayo ay Nagkakilala
Camille
Paghihintay
Sa Tabora
Laking Binondo
Maka-Diyos ng Binondo
Dinarayo si Lorenzo
Dahil siya ay isang santo.
Sa pista niya ay magulo,
Di mapigil ang deboto.
-Gerome Go Chang
Ang dalit ay isang katutubong tulang Filipino na binubuo ng walong pantig kada taludtod at apat na taludtod sa isang saknong. Isahan ang tugmaan ng bawat saknong.
PCC: Tahanan
Babaita
Hiling
Mahirap ang Tumula
D'yan
D’yan sa may Divisoria
Ang kalyeng Padre Rada.
Ayon kay Chairman S’yada,
Marami ang istorya.
-Jovelyn N. Yap Anching
Ang tanaga ay isang katutubong tulang Filipino na binubuo ng pitong pantig kada taludtod at apat na taludtod sa isang saknong. Isahan ang tugmaan ng bawat saknong.
Tindero
Kapatid ng Lansangan
T-trak at iba pang uri ng sasakyan,
R-rural o urban ang patutunguhan,
A-ang trapik ay di maiiwasan.
P-pumunta ka man kahit saan,
I-ika'y di lulubayan,
K-kapatid siya ng lansangan.
-Mark Eddril O. Lao
Ang tulang malayang taludturan ay walang sinusunod na bilang ng pantig sa bawat taludtod at wala ring sinusunod na bilang ng taludtod sa isang saknong. Hindi rin kailangang nagtutugma ang mga taludtod sa bawat saknong.
Lunes
ni Irvin Hudson C. Chen
Hay! Lunes na naman. Unang araw ng linggo. Wala akong magagawa, ganon talaga ang mundo. Nagsisimula ang trabaho o pasok sa paaralan tuwing Lunes.
Nakakatamad. Parang hinihila ka ng higaan mo, parang sinasabi nitong, “matulog ka pa.” Kaso kailangang tumayo, e. Wala akong magagawa.
Pag-alarm ng aking cellphone, tiningnan ko kung anong oras na. Alas-5:30 na ng umaga. Uupo ako at tatanggalin ko ‘yong charger sa cellphone.
Matutulog ako ulit.
Maya-maya, may gigising na sa akin. ‘Yong kasambahay. (Para hindi matuluyan ang himbing ng tulog ko pagka-alarm ng cellphone, nagpapagising ako sa aming kasambahay.) Tatayo ako para kunin ang aking panyo, sando, at medyas sa drawer. Lalabas ng kuwarto para kunin ang aking polo at pantalon sa isa pang drawer. Bababa ako at papasok sa kubeta. Haharap sa salamin, titingnan ang ang sarili ko at magtatanggal na ng aking mga damit. Maliligo na ako. Pagkatapos, patutuyuin ko ang aking sarili gamit ang tuwalya. Tapos magsisipilyo ako. Habang nagsisipilyo ako, naghahanda ng aking agahan ang kasambahay. Magtitimpla siya ng Milo at magluluto ng itlog.
Pagkalabas ko ng kubeta, kakain na ako. (A… bale, hubad kang kumakain? –Editor) At pagkakain, lalabas na ng gate namin. Kukunin ko ang earphone sa bag at ilalagay sa tenga ko para makinig ng mga kanta. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan sa unang kantong madadaanan ko, makakasabay ko ang mga estudyante ng Potrero National High School, Malabon.
Habang naglalakad iisipin ko kung saan ako sasakay. Sa unang kanto o sa McArthur Highway? Pag sa unang kanto ako. sasakay, mahihirapan ako dahil kakaunti ang dyip papuntang Victory Mall (kung saan ako bababa) at puno pa ang mga dyip na ito. Tsambahan lang na ang makapuwesto. Pag sa McArthur Highway naman, marami ngang dyip, marami din naman ang tao.
Isang Lunes, sa ganitong paraan ako nakapagdesisyon. Sa unang kanto, pag may dumaan na dalawang dyip at hindi pa rin ako nakasakay, pupunta na lang ako ng McArthur. Kaya pagdaan nga ng dalawang dyip, naglakad na ako hanggang McArthur Highway. Doon ako naghintay. Maraming dyip papuntang Recto pero puro puno.
Pagkalipas ng limang kanta mula sa aking earphone, hindi na ako makapaghintay pa. Baka ma-late ako kaya sumakay na lang ako ng dyip papuntang LRT. Pagdating doon, nahirapan pa rin akong sumakay ng dyip kasi madami pa ring tao. Pabalik-balik na ako sa aking kinatatayuan.
Nalalagpasan ako ng dyip, minsan naman, nalalagpasan ko sila. Inisip ko kung sasabit ako o maghihintay pa. Nang mapagdesisyunan ko nang sumabit na lang, biglang may huminto na dyip na kaunti lang ang laman. Doon na nga ako nakasakay.
Nagbayad ako ng 13 pesos. Sakto. (Minsan, bente ang ibinabayad ko. Hindi ako nagbabayad ng 50 pesos o higit pa. Natatakot ako na baka hindi ako masuklian pag nakaabot na ako sa Padre Algue, ang kalyeng bababaan ko.)
Tiningnan ko ang mga kapasahero ko at baka may kakilala ako. Pagkatapos niyon, lumingon na ako sa bintana, tumingin sa labas. Malas nga dahil sa bandang gitna ako nakaupo, hindi sa may pinto. Ayaw ko sa gitna o sa bandang harapan, malapit sa driver, kasi nakakangawit sa leeg kapag tumitingin sa labas ng bintana.
Pagdating sa 5th Avenue, madaming bumaba. Hindi sila sa LRT Monumento bumaba dahil sa dami ng tao na nakapila para makasakay ng LRT. Puro siksikan!
Madami ba talaga ang tao sa Maynila o kulang lang ang tren papuntang Baclaran? O lahat ng tao, trip lang sumakay ng tren tuwing Lunes? Bakit sa ibang bansa, marami ding tao pero di ganon kahaba ang pila? Baka maayos silang pumila? O baka wala talagang nangyayari sa bansa natin? Ano talaga ang magulo, ang tao o ang gobyerno? May ginagawa ba sila para maging malinis at maging maayos ang transportasyon sa Pilipinas?
Paminsan-minsan, naiisip kong subukang magbisikleta papuntang eskuwelahan. Pero may isang problema: walang parkingan ng mga bisikleta sa PCC. Kahit sa ibang lugar na malapit sa eskuwela, wala. Buti pa sa ibang bansa, may parkingan para dito. Ang Pilipinas ay parang walang paki sa mga nagbibisikleta. Walang parkingan, wala ring bicycle lane. Sa iba lang meron.
Nang malagpasan na namin ang 5th Avenue, tuloy-tuloy na ang kalsada papuntang Divisoria. Nahihinto lang kami sa Mayhaligue dahil sa traffic. Ayaw magbigayan ng mga tao sa pagdaan at minsan pa, sira ang stop light. Isang beses, sinubukan kong lakarin mula Mayhalige hanggang sa eskuwela, sa PCC (Abad Santos Avenue). Natuklasan kong di naman sira ang stop light. Maluwag ang daan, ayaw lang magbigayan ng mga driver kasi ‘yong stop light, mabilis magpalit ng kulay. Hindi sila nakakaandar agad.
Dumating ako ng eksaktong 7:30 para sa klase. Pagkatapos ay uuwi rin ako agad pagdating ng 10:30 ng umaga.
Hay! Lunes na naman. Unang araw ng linggo. Wala akong magagawa, ganon talaga ang mundo.
Spartan at Zombie
ni Mark John Christian B. Lim
Ako ay 17 taong gulang at nakatira sa Valenzuela. Ako ay graduate ng Canumay West National High School at ngayon ay nasa unang baitang ng kolehiyo sa kursong BS Information Technology.
Sa Valenzuela, marami akong puwedeng pasukang eskuwelahan kaya marami sa aking mga kamag-aral ang nagtatanong kung bakit nga ba ako sa Philippine Cultural College nag-aral, e ang layo nga naman daw nito sa aming bahay.
“Buti hindi ka nahihirapan sa iyong biyahe?” tanong ng aking mga kaklase.
Dito ko sisimulan ang kuwento ng aking paglalakbay mula sa aming bahay patungo sa aking paaralan.
Ang araw ng aking pasok ay Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, at Sabado. Ang Biyernes ay araw ng pahinga ko.
Ang ruta ng sinasakyan kong dyip mula Valenzuela ay hanggang LRT Monumento, pero hindi na ako nagpapaabot sa mismong terminal ng dyip sa Monumento kasi mahirap makasakay doon ng papuntang Divisoria. Bumababa ako sa Caltex sa Caloocan para doon maghintay ng isa pang dyip na may rutang pa-Divisoria, Tutuban. Kapag umaga, hindi talaga mawawala ang rush hour. Sa mga ganong oras ay papasok na rin kasi ang mga nagtatrabaho. Madalas akong mahirapan sa pagsakay at nakakapagod din ang maghabol sa dyip na lumalampas sa aming puwesto. Nakakapagod din ang makipagbanggaan sa mga tao para lang makasakay.
Kapag ako ay nakasakay na, natanggal talaga ang pagod ko sa pag-upo.
May mga oras naman na wala akong masakyang dyip patungong Monumento kaya minsan, sumasakay ako ng bus na may rutang Sta.Cruz. Doon ako bababa, sa mismong Sta.Cruz at maglalakad ako patungo sa sakayan ng dyip na may rutang Divisoria-Tutuban. Sasakay ako at pagkatapos ay bababa na ako sa Padre Algue Street at maglalakad hanggang eskuwela.
Mas gusto ko ang pagsakay sa dyip kesa sa bus dahil mas tipid ito sa pamasahe. Kapag ako ay nagbus, ang magbalikan ay 65 pesos, samantalang sa dyip ay 60 pesos lamang. Mas tipid ako pag dyip kahit na limang piso lang naman ang diperensiya.
Kapag umaga ang pasok ko, nag-iiba talaga ang aking katauhan. May tawag pa nga ang mga driver ng dyip sa mga pasaherong tulad ko.
Spartan at zombie.
Spartan dahil tuwing kami ay sasakay ng dyip, e akala mo palaging may gulo. Unahan, balyahan, siksikan, sikuhan at banggaan sa pagsakay. Minsan, nawawala ang aking pagiging gentleman para lamang makasakay ng dyip. Hindi ko naman maaaring paunahin lagi ang mga babaeng nakakasabay ko sa gitgitan dahil ako naman ang mahuhuli sa klase. Pero madalas, mas pinapauna ko nga sila kaya ayun lagi akong huli sa klase.
At zombie dahil para daw kaming nanghahabol ng mga taong nasa loob ng dyip para kainin ang mga ito.
Kahit mahirap, minsan ay masaya naman ang biyahe dahil sa mga komedyanteng pasahero. Pero minsan ko lang makasabay ang ganon. Mas madalas kong makasabay iyong mga masyadong seryoso.
Akala mo, ang bigat ng pinagdadaanan sa buhay. Minsan naman, may mga pagkakataong parang magnanakaw ‘yong mga katabi mo at baka kasabwat pa ng mga ito ang driver. Nakakatakot talaga.
Masama ang maging judgmental pero ako ay naninigurado lamang para sa aking kaligtasan. Marami pa namang sabi-sabi tungkol sa mga dyip na pumapasada sa lugar na dinaraanan namin. Mayroon din akong nakakasabay na nakakanerbiyos ang mukha. Iyong tipong ang mga mata niya ay naglalakad sa loob ng dyip at halos lahat ng kasakay at katabi ay parang kakainin niya sa pamamagitan ng titig. Hindi ko naman siya puwedeng pagsabihan dahil nakakahiya. Pero hindi ko maaalis ang matakot sa ganong tao. Mas nagiging alerto tuloy ako sa mga puwedeng mangyari sa akin pag may kasakay akong ganon.
Mahaba ang aking biyahe, napakarami kong dinadaanan at nakakasabay bago makapasok sa eskuwela.
Sayang at hindi ko masyadong nakakabisado at natatandaan ang lahat ng ito dahil madalas akong tulog sa dyip.
Wala ka pa sa iyong pupuntahan…
ni Mariane Charmaine Manungay
Napakahirap bumiyahe mula sa aming tahanan sa Malabon patungong Abad Santos Avenue, Tondo (kung saan naroon ang eskuwela ko). Una sa lahat, tayo ay nasa isang bansa na ang kalagayan ng trapiko ay mabagal at hindi maayos. Ikalawa, ang mga tao ay laging nagmamadali sa pagsakay.
Sa umaga, pag-alis ko sa aming bahay patungong Monumento, inihahanda ko na ang pamasahe ko. Sa dyip, mahirap para sa akin ang kumuha pa ng pera sa loob ng aking bag. Maaaring isa sa aking mga katabi ay may masamang balak. Nagiging alerto ako sa bawat oras ng aking paglalakbay. Hindi ko maiwasang mangamba, minsan na rin kasi akong nadukutan. Ikalawang linggo ko pa lamang noon sa unang taon ko sa kolehiyo,nawalan na agad ako ng cellphone sa biyahe.
Nakakalungkot pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako nasaktan.
Tuwing umaga, hirap akong makasakay. Naghihintay ako nang matagal. Nariyan din ‘yong tatakbo ako para habulin ang mas maluwag na dyip, makikipag-unahan ako sa mga taong nagmamadali rin. Minsan, hindi ko maiwasan ang mainis kasi nariyang ako ay maapakan, maitulak, maipit at mauntog. Minsan, hindi ko na lang pinapansin ang mga ito. Imbis na magalit, ngumingiti na lang ako para makabawas ng init ng ulo. Trapik pa naman dahil sa mga ginagawang kalsada.
Napansin ko ring mula LRT hanggang sa mga dyip ay talagang nag-uunahan ang mga tao sa pagsakay.
Hindi natin maiiwasan ang ganitong sitwasyon lalo’t sa ating bansa, hindi pa ganon kaunlad ang sistema ng trapiko. Nariyan ang pagtutulakan, hindi pagkakaunawaan ng marami sa atin. Kani-kaniyang diskarte para lamang makasakay, para lang makaabot sa takdang oras sa kanilang mga pupuntahan. Nagkalat din ang mapagsamantalang mga tao, na nagdudulot ng malaking abala.
Totoong hindi lang nakapangangamba ang ganitong sitwasyon kundi nakakapagod din. Wala ka pa sa iyong pupuntahan, pagod ka na. Ang dapat lamang na gawin sa mga ganitong sitwasyon ay ang maging maaga upang hindi na makadagdag pa sa trapiko at pagmamadali ng karamihan. Kaya nakakapagod man, pinipilit ko pa ring gumising nang maaga. Kaya lang, hindi naman ito nangyayari sa umaga lang kundi pati sa hapon at hanggang sa pag-uwi.
Nagiging malaking abala na ito sa marami, lalo na sa naghahanapbuhay at nag-aaral. Kaya ang ilan sa atin, maaga pa lang ay mainitin na ang ulo. Lalo na pagsapit ng mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre! Ay, talaga namang napakahirap sumakay sa dami ng mamimili sa Divisoria.
Bilang mag-aaral, parte na ng aking pang araw-araw na buhay ang suliraning ito ng ating bansa.
Mayroon pa kayang solusyon ang mga ganitong sitwasyon? Marahil ay mahirap na itong masolusyunan sapagkat ang ganitong senaryo ay talagang hindi maiiwasan.
Pero umaasa pa rin akong magkakaroon ng kaayusan ang ganitong sitwasyon lalo na iyong sa umaga. Magkaroon lamang ng pagbibigayan at disiplina sa pagsakay sa LRT, bus, at dyip. At maging maagap at alerto sa masasamang loob sapagkat maaari kang maging isa sa kanilang mga biktima.
Napakahirap bumiyahe mula sa aming tahanan sa Malabon patungong Abad Santos Avenue, Tondo (kung saan naroon ang eskuwela ko). Una sa lahat, tayo ay nasa isang bansa na ang kalagayan ng trapiko ay mabagal at hindi maayos. Ikalawa, ang mga tao ay laging nagmamadali sa pagsakay.
Sa umaga, pag-alis ko sa aming bahay patungong Monumento, inihahanda ko na ang pamasahe ko. Sa dyip, mahirap para sa akin ang kumuha pa ng pera sa loob ng aking bag. Maaaring isa sa aking mga katabi ay may masamang balak. Nagiging alerto ako sa bawat oras ng aking paglalakbay. Hindi ko maiwasang mangamba, minsan na rin kasi akong nadukutan. Ikalawang linggo ko pa lamang noon sa unang taon ko sa kolehiyo,nawalan na agad ako ng cellphone sa biyahe.
Nakakalungkot pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako nasaktan.
Tuwing umaga, hirap akong makasakay. Naghihintay ako nang matagal. Nariyan din ‘yong tatakbo ako para habulin ang mas maluwag na dyip, makikipag-unahan ako sa mga taong nagmamadali rin. Minsan, hindi ko maiwasan ang mainis kasi nariyang ako ay maapakan, maitulak, maipit at mauntog. Minsan, hindi ko na lang pinapansin ang mga ito. Imbis na magalit, ngumingiti na lang ako para makabawas ng init ng ulo. Trapik pa naman dahil sa mga ginagawang kalsada.
Napansin ko ring mula LRT hanggang sa mga dyip ay talagang nag-uunahan ang mga tao sa pagsakay.
Hindi natin maiiwasan ang ganitong sitwasyon lalo’t sa ating bansa, hindi pa ganon kaunlad ang sistema ng trapiko. Nariyan ang pagtutulakan, hindi pagkakaunawaan ng marami sa atin. Kani-kaniyang diskarte para lamang makasakay, para lang makaabot sa takdang oras sa kanilang mga pupuntahan. Nagkalat din ang mapagsamantalang mga tao, na nagdudulot ng malaking abala.
Totoong hindi lang nakapangangamba ang ganitong sitwasyon kundi nakakapagod din. Wala ka pa sa iyong pupuntahan, pagod ka na. Ang dapat lamang na gawin sa mga ganitong sitwasyon ay ang maging maaga upang hindi na makadagdag pa sa trapiko at pagmamadali ng karamihan. Kaya nakakapagod man, pinipilit ko pa ring gumising nang maaga. Kaya lang, hindi naman ito nangyayari sa umaga lang kundi pati sa hapon at hanggang sa pag-uwi.
Nagiging malaking abala na ito sa marami, lalo na sa naghahanapbuhay at nag-aaral. Kaya ang ilan sa atin, maaga pa lang ay mainitin na ang ulo. Lalo na pagsapit ng mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre! Ay, talaga namang napakahirap sumakay sa dami ng mamimili sa Divisoria.
Bilang mag-aaral, parte na ng aking pang araw-araw na buhay ang suliraning ito ng ating bansa.
Mayroon pa kayang solusyon ang mga ganitong sitwasyon? Marahil ay mahirap na itong masolusyunan sapagkat ang ganitong senaryo ay talagang hindi maiiwasan.
Pero umaasa pa rin akong magkakaroon ng kaayusan ang ganitong sitwasyon lalo na iyong sa umaga. Magkaroon lamang ng pagbibigayan at disiplina sa pagsakay sa LRT, bus, at dyip. At maging maagap at alerto sa masasamang loob sapagkat maaari kang maging isa sa kanilang mga biktima.
Kadulu-duluhan ng Valenzuela City
ni Janelyn T. Choi
Ako ay nakatira sa kadulu-duluhan ng Valenzuela City. Kaya kahit pumapasok ako nang maaga, tinatanghali pa rin ako dahil sa mahabang biyahe.
Araw-araw, kapag may klase ako, kailangan kong magdalawang sakay. Tricycle muna mula sa bahay namin hanggang sa Karuhatan bago ako makasakay ng dyip papuntang eskwela. Kadalasan, ang biyahe ko ay umaabot ng dalawang oras kapag hindi matrapik sa daan. Pero may mga araw na sobrang trapik talaga at hindi mo maintindihan kung bakit, katulad ng Lunes. Inaabot ako ng hanggang tatlong oras para lamang makapasok. Minsan, kapag nakakainip na sa dyip dahil sa trapik, bumababa na lamang ako para maglakad. Kadalasan din, nagbabasa ako ng Wattpad sa aking cellphone para malibang ko ang aking sarili.
Pero minsan naman, dahil sa sobrang antok, nakakatulog ako at hindi ko na namamalayan na lagpas na pala ako.
Naiinis ako sa mga driver na pinipilit pa nilang makakaupo ang pasahero kahit na kitang kita namang hindi na ito kasya dahil puno na ang kanyang dyip.
Hindi ko rin maiwasan ang mga bastos na pasahero sa dyip. Gaya na lamang ng nakaengkuwentro ko noong 1st year college ako. Sa isang subject ko ay kailangang magsuot ng palda ng mga estudyanteng babae. Minsang papasok ako sa eskuwela, nabanas ako sa kaharap kong pasahero na kung makatingin ay akala mo, ngayon lamang nakakita ng babaeng nakapalda. Ang malala ay iyong nakatabi kong pasahero na pasimpleng nangtsatsansing. Ikinabuwisit ko ito kaya bumaba na lamang ako kahit na alam kong malayo pa ang bababaan ko.
May panahong naiinis ako sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang sa Philippine Cultural College ako nagkolehiyo. May mga university na malapit sa amin, hindi pa ko gagastos ng halos singkwenta pesos papasok lamang ng eskuwela. Halos isang daan ang aking nagagastos para lamang makapasok at makauwi galing sa PCC. Minsan pa ay may mga driver na nagkukunwaring hindi narinig ang pagkakasabi ng “Bayad po, isang estudyante po,” lalo na kapag ang ibinigay kong pambayad ay hindi sakto sa pamasahe. Hindi na kasi ako nasusuklian.
Pero marami pa rin naman akong masasayang karanasan sa pagsakay ng dyip papunta man o pauwi galing Divisoria. Ilan diyan ay kapag nakakasabay ko ang mga kaibigan ko sa PCC gaya nina Eric Cua, Justin Ma, at Jeniffer Pua. Dahil parehas naman ang aming sinasakyan, lagi kaming nagkakasabay-sabay. Minsan, hindi namin maiwasan ang mag-ingay sa dyip, lalo na kapag puro tawa lamang ang ginagawa namin.
Para sa mga tulad kong bumibiyahe mula sa kadulu-duluhan ng Valenzuela papuntang Divisoria, narito ang ilan sa mga payo ko batay sa aking obserbasyon sa pagbibiyahe araw-araw:
1. ‘Wag maghintay ng dyip kapag 6:30 na ng umaga dahil mahirap nang makahanap ng dyip na papuntang Divisoria. Mas maaga, mas maganda.
2. ‘Wag maglabas ng cellphone sa may 5th Avenue dahil maraming masasamang loob doon.
3. ‘Wag matulog sa biyahe. ‘Wag tumulad sa akin na laging lumalagpas sa dapat na binababaan.
Tatlo-tatlo
ni Wrenz Martin Pascual
Araw-araw, maliban sa Biyernes at Linggo, ay bumibiyahe ako mula sa aming tahanan sa Valenzuela hanggang Philippine Cultural College sa Abad Santos, Tondo.
Naglalakad ako hanggang sa kanto ng subdivision namin at doon ako maghihintay ng dyip na Divisoria. Madalas ay 10 hanggang 15 minuto akong naghihintay. Gustong-gusto ko ‘yong pagsakay ko ng dyip, wala pang pasahero, dahil malaya akong makakapili kung saan ako uupo. Ang pinakagusto kong puwesto ay sa dulo ng dyip dahil mabilis akong makakababa pagdating sa eskuwela.
Ayoko ng pang-umagang klase dahil mahirap sumakay pag umaga. May pasok ang mga tao lalo na ang tulad kong estudyante. Kinakailangan din nilang pumasok nang maaga sa paaralan. Hindi tuloy maiiwasan ang siksikan sa dyip. Eto pa naman ang pinakaayaw ko sa pagsakay dahil nahihirapan akong makasakay at makaupo.
Kapag hapon naman ang klase ko, masaya ako dahil mahimbing ang aking tulog sa umaga. Nakakatipid pa ako dahil sa bahay na ako kakain ng agahan at tanghalian. Hindi rin siksikan sa dyip.
Malayo-layo ang aking biyahe. Madalas, inaabot ako ng dalawang oras para makarating sa eskuwela. Tatlong bayan ang dinadaanan ng dyip na sinasakyan ko: Caloocan, Malabon at Maynila. Ang pinakamaikling biyahe ay 45 minutos. Masaya ako kapag saglit lang ang biyahe dahil hindi ako pinagpapawisan at hindi masyadong boring ang biyahe. Ayokong pinagpapawisan dahil pagdating ko sa eskuwela, hindi na magaan ang aking pakiramdam.
Sa tuwing papasok ako ng eskuwela, nagdadasal ako na sana may makasabay akong ka-eskuwela ko rin para may kakuwentuhan ako. Kapag wala akong kasabay na kakilala, madalas nakikinig lamang ako ng kanta upang malibang ako kahit paano. Minsan ay nakakatulog din ako. Gusto ko rin na may kasama sa biyahe dahil minsan, sila ang nagbabayad ng aking pamasahe.
Isang beses pa lang akong may nakasabay na kaklase. Sabado iyon at medyo trapik pagdating ng Potrero, Malabon. Tumigil ang dyip at mga kaklase ko pala ang sasakay. Pagsakay nila, nagkakuwentuhan kami.
Tuwang-tuwa ako sa biyahe na ‘yon dahil may kakuwentuhan ako at di ako nabagot kahihintay na marating ang eskuwela. Nilibre din ng pamasahe ng mga kaklase ko. Ikinasaya ko itong talaga. Dahil nang araw na iyon, kulang ang dala kong pera. Ang sarap malibre ng kaklase. P21 din ‘yon, malaking tulong iyon para sa aking pinag-iipunan na bagay.
Ang mga ayaw ko kapag bumibiyahe ako ay:
1. ‘yong matinding trapik dahil nga pinagpapawisan ako,
2. punuan na dyip dahil ayokong nasisiksik, at;
3. ‘yong madadayang drayber na minsan hindi nagbabalik ng sukli, minsan naman ay sobra sa singil, akala mo napaka-special ng dyip nilang karag-karag. (Ayoko lang makipagtalo sa mga drayber dahil naiisip kong kakarmahin din sila. Mahirap mainis sa umaga. Paniguradong sira na ang araw ko.)
Noong 1st semester pa lang, solid na dalawang oras ang biyahe ko dahil sa mga ginagawang kalsada. Pagdating pa lamang sa may Monumento, may ginagawa nang kalsada. Pagdating naman sa 5th Avenue ay may ginagawa ulit na kalsada, mayroon din sa 3rd Avenue at ang huli ay sa R. Papa Street. Pero paglagpas sa R.Papa St., mga 15 minuto na lang ay nasa eskuwelahan na ako.
Pagdating ay bibili muna ako ng inumin dahil sa pagod sa mahabang biyahe.
Sa totoo, tatlo naman ang aking opsiyon papuntang eskuwela:
1. sa kanto ng subdivision namin, sasakay ako ng dyip na Divisoria,
2. rutang Retiro, mula bahay ay sasabay ako sa aking mga kapatid na inihahatid sa 8th Avenue, Caloocan City. Pagkahatid sa kanila ay ihahatid na ako sa may Retiro. Doon ako maghihintay ng dyip na Divisoria. Kapag nakasakay na ako, magbabayad ako ng sampung pisong pamasahe. Dalawampung minuto lamang ang biyahe. Mas mabilis at mas mura ang rutang ito kaya mas gusto kong sumasabay sa aking mga kapatid tuwing umaga. Tipid na sa pamasahe, hindi pa ako ganon kapawis pagpasok sa eskuwela, at higit sa lahat ay hindi ako mamomoblema kung paano at gaano ako katagal na maghihintay ng aking masasakyan, at;
3. rutang LRT, mula sa bahay ay maglalakad ako sa kanto at sasakay ng dyip na Pier15, LRT o Recto. Pagbaba ko sa Monumento ay aakyat ako sa LRT Station at bibili ako ng LRT card hanggang Bambang. Dito pa lang, maraming tao na rin ang nagmamadali at nagsisiksikan para lamang makasakay. Pati rin ako ay nakikipagsiksikan. Kung minsan ay wala ka nang magawa kundi makipagbalyahan para lang makasakay agad sa LRT. Pagkababa ko ng Bambang Station, lalakarin ko na hanggang PCC. Malayo-layo rin ang lalakarin ko. Madadaananan ko ang iba pang mga eskuwelahan.
May mga pribado at pampublikong eskuwelahan. May mga Chinese school sa Manila. Nariyan din ang Metropolitan Hospital. Mas pinili kong maglakad na lamang mula Bambang hanggang PCC dahil kapag tricycle ako ay P40 pesos ang sisingilin sa akin. Masyado itong mahal. Bakit kailangang sumakay muli kung may paraan naman upang ako ay mas makatipid? Kaya ko namang lakarin. ‘Yong P40 na ipambabayad sa tricycle ay ipambibili ko na lamang ng inumin o di kaya ay pagkain sa canteen pagdating ko sa eskuwela.
Sa mga opsiyon ko papuntang PCC, ang pinakagusto ko ay ang rutang Retiro dahil ito ang pinakamabilis at pinakamura sa tatlo.
Araw-araw, maliban sa Biyernes at Linggo, ay bumibiyahe ako mula sa aming tahanan sa Valenzuela hanggang Philippine Cultural College sa Abad Santos, Tondo.
Naglalakad ako hanggang sa kanto ng subdivision namin at doon ako maghihintay ng dyip na Divisoria. Madalas ay 10 hanggang 15 minuto akong naghihintay. Gustong-gusto ko ‘yong pagsakay ko ng dyip, wala pang pasahero, dahil malaya akong makakapili kung saan ako uupo. Ang pinakagusto kong puwesto ay sa dulo ng dyip dahil mabilis akong makakababa pagdating sa eskuwela.
Ayoko ng pang-umagang klase dahil mahirap sumakay pag umaga. May pasok ang mga tao lalo na ang tulad kong estudyante. Kinakailangan din nilang pumasok nang maaga sa paaralan. Hindi tuloy maiiwasan ang siksikan sa dyip. Eto pa naman ang pinakaayaw ko sa pagsakay dahil nahihirapan akong makasakay at makaupo.
Kapag hapon naman ang klase ko, masaya ako dahil mahimbing ang aking tulog sa umaga. Nakakatipid pa ako dahil sa bahay na ako kakain ng agahan at tanghalian. Hindi rin siksikan sa dyip.
Malayo-layo ang aking biyahe. Madalas, inaabot ako ng dalawang oras para makarating sa eskuwela. Tatlong bayan ang dinadaanan ng dyip na sinasakyan ko: Caloocan, Malabon at Maynila. Ang pinakamaikling biyahe ay 45 minutos. Masaya ako kapag saglit lang ang biyahe dahil hindi ako pinagpapawisan at hindi masyadong boring ang biyahe. Ayokong pinagpapawisan dahil pagdating ko sa eskuwela, hindi na magaan ang aking pakiramdam.
Sa tuwing papasok ako ng eskuwela, nagdadasal ako na sana may makasabay akong ka-eskuwela ko rin para may kakuwentuhan ako. Kapag wala akong kasabay na kakilala, madalas nakikinig lamang ako ng kanta upang malibang ako kahit paano. Minsan ay nakakatulog din ako. Gusto ko rin na may kasama sa biyahe dahil minsan, sila ang nagbabayad ng aking pamasahe.
Isang beses pa lang akong may nakasabay na kaklase. Sabado iyon at medyo trapik pagdating ng Potrero, Malabon. Tumigil ang dyip at mga kaklase ko pala ang sasakay. Pagsakay nila, nagkakuwentuhan kami.
Tuwang-tuwa ako sa biyahe na ‘yon dahil may kakuwentuhan ako at di ako nabagot kahihintay na marating ang eskuwela. Nilibre din ng pamasahe ng mga kaklase ko. Ikinasaya ko itong talaga. Dahil nang araw na iyon, kulang ang dala kong pera. Ang sarap malibre ng kaklase. P21 din ‘yon, malaking tulong iyon para sa aking pinag-iipunan na bagay.
Ang mga ayaw ko kapag bumibiyahe ako ay:
1. ‘yong matinding trapik dahil nga pinagpapawisan ako,
2. punuan na dyip dahil ayokong nasisiksik, at;
3. ‘yong madadayang drayber na minsan hindi nagbabalik ng sukli, minsan naman ay sobra sa singil, akala mo napaka-special ng dyip nilang karag-karag. (Ayoko lang makipagtalo sa mga drayber dahil naiisip kong kakarmahin din sila. Mahirap mainis sa umaga. Paniguradong sira na ang araw ko.)
Noong 1st semester pa lang, solid na dalawang oras ang biyahe ko dahil sa mga ginagawang kalsada. Pagdating pa lamang sa may Monumento, may ginagawa nang kalsada. Pagdating naman sa 5th Avenue ay may ginagawa ulit na kalsada, mayroon din sa 3rd Avenue at ang huli ay sa R. Papa Street. Pero paglagpas sa R.Papa St., mga 15 minuto na lang ay nasa eskuwelahan na ako.
Pagdating ay bibili muna ako ng inumin dahil sa pagod sa mahabang biyahe.
Sa totoo, tatlo naman ang aking opsiyon papuntang eskuwela:
1. sa kanto ng subdivision namin, sasakay ako ng dyip na Divisoria,
2. rutang Retiro, mula bahay ay sasabay ako sa aking mga kapatid na inihahatid sa 8th Avenue, Caloocan City. Pagkahatid sa kanila ay ihahatid na ako sa may Retiro. Doon ako maghihintay ng dyip na Divisoria. Kapag nakasakay na ako, magbabayad ako ng sampung pisong pamasahe. Dalawampung minuto lamang ang biyahe. Mas mabilis at mas mura ang rutang ito kaya mas gusto kong sumasabay sa aking mga kapatid tuwing umaga. Tipid na sa pamasahe, hindi pa ako ganon kapawis pagpasok sa eskuwela, at higit sa lahat ay hindi ako mamomoblema kung paano at gaano ako katagal na maghihintay ng aking masasakyan, at;
3. rutang LRT, mula sa bahay ay maglalakad ako sa kanto at sasakay ng dyip na Pier15, LRT o Recto. Pagbaba ko sa Monumento ay aakyat ako sa LRT Station at bibili ako ng LRT card hanggang Bambang. Dito pa lang, maraming tao na rin ang nagmamadali at nagsisiksikan para lamang makasakay. Pati rin ako ay nakikipagsiksikan. Kung minsan ay wala ka nang magawa kundi makipagbalyahan para lang makasakay agad sa LRT. Pagkababa ko ng Bambang Station, lalakarin ko na hanggang PCC. Malayo-layo rin ang lalakarin ko. Madadaananan ko ang iba pang mga eskuwelahan.
May mga pribado at pampublikong eskuwelahan. May mga Chinese school sa Manila. Nariyan din ang Metropolitan Hospital. Mas pinili kong maglakad na lamang mula Bambang hanggang PCC dahil kapag tricycle ako ay P40 pesos ang sisingilin sa akin. Masyado itong mahal. Bakit kailangang sumakay muli kung may paraan naman upang ako ay mas makatipid? Kaya ko namang lakarin. ‘Yong P40 na ipambabayad sa tricycle ay ipambibili ko na lamang ng inumin o di kaya ay pagkain sa canteen pagdating ko sa eskuwela.
Sa mga opsiyon ko papuntang PCC, ang pinakagusto ko ay ang rutang Retiro dahil ito ang pinakamabilis at pinakamura sa tatlo.
Biyahe mula Bahay Hanggang PCC/Divisoria
ni Jovelyn N. Yap Anching
Pagmulat ng mata ko, ang una kong naririnig ay ang maingay kong cellphone alarm. Hindi pa ako lubos na gising noon at ang tanging nasa isip ko ay ang patahimikin ang nakakairitang alarm. Paglipas ng lima hanggang labinlimang minuto, mag-uumpisa na akong magmulat. Ang utak ko, nag-uumpisa na ring mag-isip ulit. Maalala kong may pasok ako, at gutom ang unang sumasalubong na pakiramdam.
Sa mga oras na tulala ako ay napapagalitan na ako minsan ni Mama kasi ang bagal kong bumangon. Pagbangon ko, mas inuuna ko ang maligo, matagal kasi akong kumain. Mas matulin akong maligo.
Minsan, inaabot ako nang hanggang 30 minuto sa pagkain pa lang ng almusal. Nanonood ako ng T.V. habang kumakain. Samantala, ang pagligo ko ay umaabot ng 30 minuto ngunit minsan, lampas pa ng 30 minuto, lalo na kapag malamig-lamig ang panahon. Magpapakulo muna ako ng tubig para ipanghalo sa tubig na pampaligo. Hindi ko kaya ang ginaw sa madaling araw. Tapos no’n, magbibihis na ako ng uniporme, pamasok ng eskuwela.
May aso kami. Si Whitey. Pinapakain ko siya kada umaga. Tapos ay magpapaalam na ako sa mga magulang ko at bibiyahe papuntang eskuwela. Sa Quezon City ako nakatira. Mag-uumpisa ako sa paglalakad mula sa amin papuntang sakayan ng dyip. Malayo-layo ang sakayan mula sa bahay namin, lima hanggang sampung minutong paglalakad. Saka pa lang ako sasakay ng dyip na biyaheng Quiapo.
Ang rutang dinadaanan ko ay pagbaybay sa Quezon Avenue. Masikip ang daloy ng trapiko tuwing may pasok ako.
Halos araw-araw, ang sikip doon. Dadaan ito ng Sto. Domingo Church at UST, kung kaya napakatrapik ng daan dito. Palagi akong nagte-text sa mga magulang ko kung nasaan na ako. Hindi lilipas ang 20 minuto nang hindi ako nagte-text kasi magagalit sila at mag-aalala. Ang baba ko ay sa Morayta na. Tatawid pa ako ng overpass (na gawa sa semento). Maraming nagtitinda sa overpass. Delikadong lugar ang Morayta kaya maingat ako hanggang makatawid ako at makapunta sa susunod kong lilipatan ng sakay, kasi kailangan kong sumakay ng isa pa papuntang Divisoria. Nandoon ang eskuwelahan ko.
Pagkarating ko sa sakayan, pipila ako at magbabayad ng pamasahe doon sa tagakolekta na nasa tabi ng mesa, nagbibigay ito ng tiket para mabilis at wala nang abala sa tsuper ng dyip. Pagkasakay ko, titiisin ko na naman ang matinding trapiko sa Recto Avenue. Tapos bababa ako sa Divisoria.
Madalas akong bumababa sa overpass (na gawa sa bakal, footbridge na tawag dito) na malapit sa kanto ng Recto Avenue at Abad Santos para isang diretso na lang ako. Pero kung lumampas man ako sakay ng dyip ay wala namang kaso. Malapit lang naman din ang makalampas ng kanto. Pagkababa ay tanaw ko na agad ang eskuwela namin.
Ang kalaban ko naman bago makarating sa PCC ay ang mga taong naglalakad sa sidewalk. Karamihan sa mga dumadaan ay mga tindera sa Divisoria, mga nagtatrabaho sa malalapit na mall o kaya ay bangko, at ang iba ay kapwa estudyante na papasok din sa kanilang eskuwelahan. Limang minuto lang naman ang lakad kaya ito ay madali lang at hindi na nakakapagod.
Ito ang biyahe ko araw-araw.
Mapalad ako minsan, hinahatid ako ng papa ko kapag may oras siya. Matulin siyang magpatakbo, mabilis din akong nakakarating sa PCC. Wala pang isang oras, nasa eskuwela na
ako. Pero kapag ako lang mag-isa ang papasok, inaabot ako ng higit sa dalawang oras.
Nitong nakaraang taon, hindi na ako mag-isa sa paglalakbay. Nagkaroon na ako ng kasintahan at madalas niya akong ihatid at sunduin. Nag-iba na ang ruta ko kasi sabi ng B.F. ko, may bago, at mas ligtas na ruta kaysa sa ruta ko.
Iba-iba, Sari-sari, Kayang-kaya
ni Gerome Go Chang
Pinagpala ako na mula sa aming bahay, limang kanto lang ay nararating ko na ang aking paaralan at ang pamilihan ng Divisoria. Kung oras naman ang pagbabatayan, kayang-kaya ko itong marating nang di hihigit sa limang minuto (lalo na pag ako ay nagmamadali).
Sa aking paglalakad araw-araw, napapansin kong iba-iba ang mga lahi na aking nakikita.
Nagkakaiba rin sila sa kulay: may kayumanggi at may mapuputi. Sa aking obserbasyon, karamihan ng manininda sa bangketa ay Pilipino. Sa loob naman ng establishment o mga mall ay Tsino at Muslim. Nakakabilib. Napakaaga pa lang ay naroon na sila at nagbabanat ng buto upang makabenta.
Sari-sari ang makikita rito sa Divisoria. May nagtitinda ng prutas, gulay, medyas, damit, mga laruan at kung ano-anong kakaibang gamit. Isang beses na napadaan ako sa lugar na ito sa may kahabaan ng Recto ay may nakita pa akong nakalatag na mga cellphone sa sahig at nakapatong sa isang malaking kahon na walang laman, maraming klase at kulay.
Dugtong-dugtong ang mga pamilihan. Unang makikita ang 999 at Tutuban Mall na halos magkatapat lang. Medyo mahal pa ang mga bilihin sa mga ito. Pag naglakad nang kaunti, makikita naman ang mga pamilihan na 168, 11/88 at City Square. Magkakatabi lang ang mga ito. Kung maglalakad pa nang kaunti, makikita naman ang pamilihang Lucky China Town. Hindi pa nagtatapos diyan ang napakalawak at napakagulong Divisoria. Nariyan din ang Juan Luna Plaza at ang nasunog na Divisoria Mall kung saan ay pinakamura ang bilihin.
Kanya-kanyang presyo ang mga manininda. Kung ikaw ay di sanay sa lugar na ito, mas mahal ang presyong ibibigay sa ‘yo. Magulo man dito, wala namang kapantay ang mga kalakal at presyo.
Maaari pa ngang humingi ng tawad hanggang sa huling piso. Kung ayaw patawad, napakarami pang ibang tindahan na may kaparehong tinda.
Iba’t ibang uri din ng sasakyan ang makikita. May kuliglig, tricycle, de padyak na tricycle, bisikleta, dyip, taxi at mga pribadong sasakyan. Madalas, ang nagdudulot ng trapiko sa lugar na ito ay mga pampublikong sasakyan na naghihintay ng mga pasahero. Minsan, nais pa nilang puno ang kanilang sasakyan bago umalis sa pinagpaparadahan.
Makalat at marumi ang lansangan sa gitna ng Divisoria. Makikita ang tambak na basura, mga plastik na pinagbalutan ng mga gamit at kung ano ano pa. May mga naglilinis naman at nangongulekta ng mga basura tuwing umaga pero hindi sapat.
Minsan pa nga, kahit na kakukuha lang ng tambak na basura sa Divisoria ay may mga naiiwan at natitira pa rin. Hindi na ito maisakay sa trak ng basura at puno na. Kapag umulan naman ay putik at baha ang kalaban patungo rito. Barado kasi ang mga kanal dulot ng mga kalat.
Pero talagang sinasadya pa rin ang lugar na ito. Lalo na ng mga mamimili na pangmaramihan o pakyawan ang pagtangkilik sa produkto.
Para sa mga nagpupunta sa Divisoria na galing pa sa malalayong lugar, narito ang ilan sa aking payo:
1. Mainam na magtsinelas at shorts o damit na komportable. Matao, siksikan at madalas na mainit sa Divisoria.
2. Bago magpunta, ugaliing maglista ng mga kailangang bilhin upang ‘yon ang unahin at nang mas makatipid. Kung walang listahan, kadalasan ay mas mapapagastos ka dahil lahat ng produktong magustuhan at madaanan ay matutukso kang bilhin.
3. Dapat ay nagdadala ng mga shopping bag o eco bag dahil ang mga supot na pinamimigay sa Divisoria ay manipis. Abala pa kung mabutas ang supot mo at may malaglag mula rito.
4. Mas mainam ang pagpunta nang maaga para makaiwas sa pagdagsa ng mga mamimili sa hapon. At sabi rin ng iba, mas magandang mamili sa umaga dahil sa tinatawag nilang “Buena Mano,” hindi tatanggi ang nagbebenta sa paghingi mo ng mababang presyo sa kanilang mga produkto.
5. Sa biyaheng patungong Divisoria, makakabuti kung gagamit ng mga light rail system (LRT) upang makaiwas sa trapiko. Bumaba sa estasyon ng Recto o Doroteo Jose. Bukod sa makakaiwas sa trapiko ay mas mabilis pa ito.
6. Sa hapon, pag tatahakin mo ang kahabaan ng Recto papuntang Divisoria, paglagpas ng Jose Abad Santos at kanto ng Recto Avenue, asahan mong di na aandar ang mga sasakyan at mas makakabuting lakarin na lang ang iyong destinasyon.
Batang Divi
ni Joshua S. Vacal
Pagkagising ay babangon ako.Bubuksan ko ang aking radyo upang makinig ng kanta. Pagkatapos, ihahanda ko ang aking uniporme at mga dadalhin sa eskuwela.Pupunta na ako ng banyo upang maligo.Pagkaligo, magbibihis at papasok na.Lalabas ako ng gusali kung saan kami nakatira.Maglalakad na ako mula bahay hanggang eskuwela.
Oo, totoo ang aking sinabi. Ako ay naglalakad lamang mula bahay hanggang Philippine Cultural College kasi malapit lang ito sa amin. Kung sasakay pa ako ng kuliglig o side car, mag-aaksaya lang ako ng pera. Nasa 50-70 pesos ang bayad, minsan mas mataas pa.
Paglabas ko, Carmen Planas Street iyon, marami akong madadaanang tindahan ng damit pambata, stainless na gamit at iba pa, magbubukas pa lang ang iba sa kanila.‘Yong iba, sarado pa at ‘yong iba naman,napapaligiran ng mga empleyadong naghihintay sa kanilang mga amo. Marami rin akong nakakasalubong na mga estudyanteng tulad ko.Iba-iba ang uniporme kasi iba’t iba ang pinapasukang eskuwela tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Universidad de Manila at Lyceum of the Philippines University.
Marami din akong nakakasalubong na may trabaho na.‘Yong iba, naka-uniporme ng McDo at Jollibee. At ‘yong iba naman, hindi naka-uniporme. Araw-araw, marami akong nakakasalubong.‘Yong iba, kakilala ko mula sa dati kong high school.Pero karamihan ay hindi.‘Yong iba, nagmamadali.‘Yong iba, parang naglalakad lang sa parke.Minsan, grupo sila kung maglakad. Minsan naman, pares lang. ‘Yong magkasintahan. ‘Yong iba, may ngiting bumabalot sa kanilang mukha at ‘yong iba,mukhang may kalungkutang nadarama. Siyempre, hindi ko alam kung bakit. Dalawa ang lagi kong pinagpipiliang daanan papunta sa eskuwela.
Pag maaga ang aking pasok, naglalakad ako sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue. Paglabas ko ng gusali namin, ang Zosima Building, may madadaanan akong dalawang carinderia. Kakanan na ako pagkalampas doon. Tapos madadaanan ko ang Duchess Bakery. Bata pa ako ay nakatayo na ito sa ibabang bahagi ng gusali.
Habang tinutumbok ko ang kahabaan ng Recto, sari-sari na ang tindahang makikita. Iba-iba ang tinda tulad ng kaldero, kubiyertos, kamiseta. May madadaanan ko rin ang Fiesta Shopping Mall.
Mayroon din akong nadadaanan na McDo. Lagi akong napapatingin sa M Dessert Station nito, ‘yong tindahan ng ice cream. Nakikita ko kasi ang reflection ng aking mukha kasi salamin iyon. Sa tabi niyon, may bagong bukas na Mang Inasal. Kapag umaga, dine-deliver ang mga frozen meat na kanilang niluluto o iniihaw maghapon. Umuusok ang likod ng truck dahil sa sobrang lamig ng mga pagkain sa loob nito.
Kapag nakalagpas na ako sa KP Tower, ako ay kakanan pa-168 Shopping Mall para makaiwas sa usok ng mga sasakyan. Pag sa kabila kasi ako dumaan, mahihirapan akong maglakad. Maraming dyip doon. At doon din ang direksiyon ng init ng araw.
Hindi ako papasok ng 168 Shopping Mall dahil sarado pa ‘yon. (At baka rin tuloy-tuloy na ako sa pagsa-shopping pag pumasok ako doon.) Pero bukas na ang Jollibee at Chowking sa ibaba ng 168. Kapag dumadaan ako sa gilid ng Jollibee at saktong nakabukas ang pinto nito, ako ay natatakam. Naaamoy ko ang bango ng kanilang niluluto. Para ngang naiinggit ako sa mga kumakain doon. (Pero kapag ako na ang kumakain doon, ay, wala lang. Hindi ko maintindihan kung bakit.) Ilang kaliwa’t kanan pa at pagtawid-tawid, makakarating na ako sa overpass at malapit na malapit na ako sa PCC.
Kung hindi naman maaga ang aking pasok, doon ako sa isa pang daanan.
Paglabas ko ng gusali kung saan kami nakatira, along Carmen Planas St., kakanan agad ako sa kanto. Madadaanan ko rito ang mga nagtitinda ng prutas mansanas, ubas at ponkan. (Mura lang dito kaya dinarayo talaga ang mga tindahan lalo na sa gabi.Kung malapit na ang bagong taon, sobrang sikip na dito at ang hirap nang dumaan sa dami ng tao.) Papasok ako sa maliit na kalye, ang Chavez Street na tadtad ng tindahan ng prutas at ipit sa buhok. Tapos lalabas ako sa kalye ng Tabora. Maraming nagtitinda rito ng stainless na gamit, costume at damit. Paglakad ko pa nang kaunti, matatanaw ko na ang Divisoria Mall. Sikat na sikat ito noon dahil dito matatagpuan ang pinakamurang bilihin. Kaya lang ay nasunog ito noong nakaraang taon.
Maglalakad pa ako nang kaunti para marating ang kalye na Juan Luna. Kakaliwa ako pa-Sta. Elena St. kung saan naroroon ang aking alma mater mula kinder hanggang high school, ang Tiong Se Academy. Sister school din ito ng PCC. Ang Tiong Se ang pinakamatandang chinese school sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1899.
Pagkatapos ay papasok ako sa balwarte ng City Place, ang mall na malapit sa Tiong Se. Sa ilang minutong paglalakad, matatanaw ko na ang 999 Shopping Mall.
Ilang kaliwa’t kanan pa at pagtawid-tawid, makakarating na ako sa overpass at malapit na malapit na ako sa PCC, ang aking eskuwela.
Kapiranggot na Kasaysayan ng Ilang Kalye sa Divisoria
nina Camille Deidree Ching, Joshua Vacal at Danica Dean
Ayon sa aklat na Streets of Manila nina Luning B. Ira at Isagani R. Medina, ang ibang kalye raw
sa Divisoria ay ipinangalan sa mga Espanyol na tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas.
Halimbawa nito ay ang Kalye Tabora, ang M. de Santos at ang Carmen Planas.
Ang Kalye Tabora na sakop ngayon ng Barangay 269 ay kilala ng mga tao dahil doon makakakita ng mga murang stainless na gamit, murang damit, costumes, damit na pangkasal. Ang kalyeng ito ay ipinangalan kay Juan Ñino de Tabora. Si Juan Ñino ay isang Espanyol at ang Gobernador Heneral ng Pilipinas noong 1626 hanggang 1632. Siya rin ang gumawa ng unang matibay na tulay sa Ilog Pasig.
Ang kalyeng M. de Santos ay sikat sa pangalang Calle Aceiteros noong ika-19 na siglo. Ang aceiteros ay plural form ng salitang Espanyol na aceitero. Ang kahulugan nito ay langis. Pinalitan ang pangalan ng kalye noong 1929 at naging M. de Santos pagkatapos parangalan ang bantog na Filipinong philanthropist na si M. de Santos.
Ang kalyeng Carmen Planas ay nagdiriwang ng fiesta tuwing ikatlong linggo ng Mayo. Mas buhay na buhay ang kalyeng ito kapag gabi, dahil dinarayo pa ito ng mga mamimili. Mura ang bilihin doon: iba’t ibang uri ng prutas na galing naman sa iba’t ibang lugar.
Folgueras ang tawag sa Carmen Planas noon. Ngayon, Folgueras pa rin ang tawag ng mga tagaroon kahit na may bago nang pangalan ang naturang kalye. Ito ay ipinangalan kay Mariano Fernandez de Folgueras na dalawang beses na hinirang upang gobernador ng lugar noong 1806 hanggang 1810 at 1816 hanggang 1822.
Kukunin Ko Raw ba ‘Yong Loyalty Award?
ni Wrenz Martin Pascual
Noong high school, may nagsasabing marami daw akong makukuhang benepisyo kapag sa Philippine Cultural College ako nag-college. Kaya napagdesisyunan kong mag-aral na dito sa kolehiyo.
Kinantiyawan talaga ako ng mga kaibigan ko. Kukunin ko raw ba ‘yong Loyalty Award? Kasi mula nursery hanggang college, dito ako nag-aral!
Pinili ko pa rin ang PCC dahil sa aking mga kaibigan. Kung sa ibang eskuwelahan ako mag-aaral, magsisimula na naman akong makipagkilala at makipagkaibigan sa iba.
Ang napili kong kurso ay Bachelor of Science in Information Technology. Dapat ang kursong pipiliin ko ay Marketing Management. Pero sabi ng magulang ko ay ‘wag daw iyon dahil marami na daw ang kumukuha nito.
Sa halip ay kunin ko na lang daw ang kursong Information Technology dahil lagi rin naman daw akong nasa harap ng kompyuter.
Noong una ay hindi ko talaga gusto ang Information Technology o I.T. dahil sabi nila, masyado raw maraming Math subjects dito. Ngunit habang tumatagal, nagugustuhan ko na ito dahil pag I.T. graduate ka, maraming puwedeng pasukan na trabaho at malaki ang sweldo mo.
Ang disadvantage ko lang sa PCC ay ang pagkahaba-habang biyahe. Malayo ang aking bahay, sa Malabon pa. Humigit-kumulang dalawang oras ang aking biyahe papunta pa lang ng PCC.
Ang Nakaraan at Ang Kasalukuyan
ni Irvin Hudson C. Chen
Hindi ko kinaya ang pag-aaral sa Angeles University Foundation (AUF) sa Pampanga. Parang DeLa Salle University o University of Santo Tomas daw iyon, sabi ng mga taga-Pampanga. Nakapasa ako sa entrance exam nito at ang kinuha ko noon ay Psychology.
Sa unang araw ng klase, puro babae ang mga aking kamag-aral. Bilang sa daliri ang lalaki. Mga sampu lang kami. Ang pagbiyahe papuntang Angeles galing ng San Fernando kung saan ako nagmumula ay umaabot ng isa hanggang dalawang oras araw-araw. Kaya kailangan kong gumising ng 5:00 n.u. para makaabot ako sa klaseng pang-alas-7:00 n.u. Buti na lang talaga, hindi ako nahuhuli sa klase.
Ang mga gusali sa paaralan na iyon ay hiwa-hiwalay. Kailangan ko pang tumawid sa mga kalsada para makapunta sa isa pang gusali.
Puro fast food ang mga pagkain doon kaya magastos.
Nang mag-sembreak, naisip kong bumalik muli sa Maynila para magpatuloy ng pag-aaral. Naisip kong lumipat sa ibang unibersidad tulad ng UST at St. Benilde. Kaya lang, may Incomplete akong grado sa aking class card. Sa subject na Theology! Hindi ko nga alam kung bakit. Pumapasok naman ako at nagpapasa ng assignment. Pero kung iyon na talaga ang grado ko, wala naman akong magagawa.
Naisip kong sa PCC ako magpatuloy para hindi sayang ang aking oras. (Dito rin ako nagtapos ng high school.) Kaya bumalik nga ako sa Maynila at kumuha ng entrance exam dito. Buti na lang, pumasa ako sa Marketing Management, ang kursong pinili ko.
Ang Mga Tao sa Aking Paligid
ni Karl Alberto R. Uy, isinalaysay kay Alyssa Marie R. Uy
Maliit pa lamang ako ay iminulat na ako ng aking mga magulang sa halaga ng edukasyon kaya kahit hindi ako ang pinakamatalino sa klase ay pinagsisikapan ko pa ring magkaroon ng maayos na grado.
Ito lamang ang pamanang maiiwan sa akin ng aking mga magulang na hindi mananakaw ng sinuman.
Hindi naging madali para sa akin ang high school pero pinilit ko itong tiisin dahil gusto kong makatapos ng kolehiyo. Naniniwala akong makakatulong ako nang malaki sa aking pamilya kung ako ay makakatapos ng kolehiyo. Pinili ko ang kursong Hotel and Restaurant Management dahil sa hilig kong kumain. Lagi rin akong tumutulong sa Mama ko sa pagluluto niya. Malaki ang impluwensiya ng Mama ko sa kursong kinuha ko. Ako ang numero unong tagahanga ng kanyang luto. Ang pagkuha ko ng ganitong kurso ay siguradong malaking tulong sa pangarap kong magkaroon ng sariling restawran.
Simula pa lamang noong elementarya ako sa Philippine Tiong Se Acadeny (dating pangalan ng TSA) ay gusto ko nang mag-aral sa Philippine Cultural High School (dating pangalan ng PCC) dahil bukod sa nag-aral ang ate ko rito ay napakaganda rin ng pasilidad nila. Gandang-ganda ako sa gym nila dahil sa laki ng kapasidad nito para sa mga manonood. Minsan ko nang binalak lumipat sa PCHS noong ako ay nasa high school kaya lamang sa kasamaang-palad ay hindi ito natuloy. Lubos ko itong ikinalungkot kaya noong pumunta ang mga taga-PCC sa PTSA para ipakilala ang kanilang bagong bukas na kolehiyo, dali-dali akong nagpasa ng requirements para makapagpalista sa kanilang entrance exam. Pinaghandaan kong mabuti ang pagsusulit na ito dahil dito nakasalalay kung saang kolehiyo ako makakapasok.
Kasama ang aking mga kaklase, kami ay nagpunta ng PCC para sa pagsusulit. Mabuti na lamang at dininig ng Panginoon ang aking dasal na makapasa sa PCC.
Dumating na sa wakas ang araw na pinakahihintay ko, 7 Hunyo 2013, ang unang araw ko bilang isang ganap na estudyante ng PCC sa kolehiyo. Hindi ko malilimutan ang araw na ito, dala na rin ng pagkasabik kong pumasok. Ang aga kong nagising kaya isa ako sa pinakamaagang dumating sa klase namin. Medyo nalungkot ako sapagkat nalaman ko na hindi pala lahat ng kaklase ko noong high school na nakapasok sa PCC ay magiging kaklase ko ulit ngayong nasa kolehiyo na kami. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa pagkakaiba ng mga kursong napili naming pag-aralan.
Kahit papaano ay masaya pa rin ako dahil kaklase ko pa rin sina April Colinares, Mark Lao, Joshua Vacal at Kelvin Co. Nakabawas-hiya para sa akin ang kanilang presensiya dahil alam kong may kasama akong mga kaibigan.
Medyo kinabahan ako dahil bawat propesor ay gustong magpakilala kami sa buong klase. Buti na lang, nawala rin ang kaba ko dahil sa paulit-ulit na pagpapakilala sa harap ng halos pare-parehong tao. Si Ma’am Ballarta na propesor sa asignaturang Sanitation ang una naming nakilala.
Si Ma’am Juan ang aming propesor para sa asignaturang English. Si Ma’am Rocco naman para sa Physical Education. Si Ma’am Malubay para sa computer. Sa kasamaang palad, hindi nakarating sina Sir Abella at Ma’am Salamat sa unang araw ng aming klase. Si Sir Abella nga pala ang aming propesor para sa mga asignaturang Filipino at NSTP at si Ma’am Salamat naman para sa asignaturang Principles of Tourism. Bawat isa sa mga aming mga propesor ay pinakilala ang kanilang sarili at nagbigay ng maikling paalala tungkol sa asignaturang kanilang ituturo.
Base sa aking narinig mula sa mga propesor, lahat sila ay may malalim na kaalaman sa asignaturang kanilang ituturo kaya may pakiramdam akong marami kaming bagong bagay na matututuhan sa kanila.
Kami ay labintatlo sa aming klase: sampung babae at tatlong lalaki. No’ng una, medyo nahihiya pa akong makipag-usap sa kanila, lalo na iyong hindi ko naging kaklase no’ng high school, pero sinubukan ko pa ring makipag-usap dahil simula sa araw na ito, sila na ang magiging bago kong kaibigan at kasama sa loob ng apat na taon.
Sa tingin ko, ang pagkakaroon ng maliit na bilang ng aming klase ay malaking tulong sa amin upang mas makilala at maging malapit kaming lahat sa isa’t isa. Siguro, totoo nga ang kasabihan na kung sino ang unang katabi mo sa unang araw sa kolehiyo ay magiging kaibigan mo, dahil hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami ni Jemlyn Salvado.
Pagkatapos ng aming mga klase, ako, at karamihan ng mga bago kong kaklase, ay nagpunta sa Lucky China Town Mall para kumain. Masaya ako sapagkat mas nakilala ko pa silang mabuti. Noong una, akala ko halos lahat sila ay tahimik pero sa umpisa lang pala ‘yon. Ngayon na ilang buwan ko na silang kasama, nalaman kong may tinatago rin pala silang kakulitan.
Nakakapagod man ang unang araw ko sa kolehiyo, alam ko namang ito ay sulit sa dami ng bagong kaibigang nakilala. Ang unang araw ko sa kolehiyo ang umpisa ng isang mahabang paglalakbay na aking tatahakin. Sa aking pagtuntong sa kolehiyo, batid ko ang hirap na aking dadanasin. Hinihiling ko lang na sana, malampasan ko ang lahat ng pagsubok nang may ngiti sa labi at walang pagsisisi.
Sa loob ng apat na taon, ang PCC ang magiging gabay ko upang maging handa sa hinaharap. Sa loob ng apat na taon, lahat sana ng pagkakaibigang nabuo ay hindi masira at mawala bagkus
lalong tumibay. Ako ay nagagalak na mapabilang sa pamilya ng PCC sapagkat ramdam ko pagmamalasakit ng mga estudyante sa isa’t isa. Bilang isang freshman, ramdam ko ring mababait ang ate at kuya kong nasa ibang baytang at kurso.
Hindi man kalakihan at kasikatan ang kolehiyong napili ko, alam kong marami akong matututuhan dito sa tulong na rin ng mga tao sa aking paligid.
Ako at ang PCC
ni Jemlyn B. Salvado
Noong hayskul pa lamang ako, sa Masbate, pangarap ko nang mag-aral sa Maynila. Sina Lolo at Lola ang nag-aruga sa akin simula nang mamatay si Papa. Si Mama ay nasa Maynila upang magtrabaho para makapag-aral kami.
Pero simula noong mag-asawa si Mama ay nanirahan na ako sa aking tiyahing si Beverly. Grade 6 ako noon at siya na ang nagpaaral sa akin. Limang taon akong nagtiis sa aking tita kahit na sinasaktan niya ako kapag may mali akong naikilos.
Isang beses ay noong binigyan niya ako ng baon. Papunta na ako ng eskwelahan noon. Magkatabi ang 50 pesos at 20 pesos sa mesa. Hindi naman niya sinabi na 50 pesos ang kunin ko kaya 20 pesos ang kinuha ko dahil ‘yon ang nakasanayan ko at iyon ang binibigay niya lagi sa ’kin. Dahil do’n ay bigla niya akong sinabunutan kahit may mga kustomer na namimili sa kanyang tindahan. Umiyak ako nang patago noon dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganon sa akin. Ginagawa ko naman ang lahat ng inuutos niya. Tumutulong ako sa pag-aayos ng mga paninda nila. Ako rin ang nag-aalaga sa mga anak niya kapag abala siya sa kanilang negosyo Hinahatid ko sa eskuwelahan ang tatlong taong gulang niyang anak at sa tanghali naman ay sinusundo ko pa ito upang sabay kaming makauwi sa bahay para mananghalian. Madalas akong mahuli sa klase ko tuwing umaga at ala-una ng hapon na klase dahil doon.
Tiniis ko na lamang ang pananakit niya sa akin kahit na sinasaktan at pinapahiya niya ako sa ibang tao. Gusto kong makapagtapos sa hayskul.Kaya noong bumalik na si Mama sa
probinsiya ay sumama na ako sa kanya. Sinabi niyang ang mga tiyahin kong Chinese ang magpapaaral sa akin. Sa wakas ay matutupad ko ang aking pangarap na mag-aral sa Maynila.
Abril 2012 nang makarating kami ng Taguig. Ilang buwan din ako roon kasama si Mama, ang kanyang bagong asawa at mga anak. Nangungupahan sila doon. Nakiusap si Mama na huwag muna akong pumunta ng Quezon City kung saan naroon ang aking mga tiyahin at tiyuhing magpapaaral sa akin dahil siya ay buntis at malapit nang manganak ng kambal. Nakiusap siyang tulungan ko muna siya kaya hindi
ako nakapag-aral agad.
May kapitbahay kaming gusto ring mag-aral, niyaya niya akong mag-enrol kami sa kursong Information Technology sa AMA Computer Learning Center (ACLC) sa Pasay. Hindi iyon regular na klase kaya pumayag si Mama. Kaya lang, hindi ako naging masaya sa klaseng iyon dahil nahirapan ako. Noong makuha ko na ang aking sertipiko ay hindi na ako nagpatuloy at tumulong na lang ako sa aking Mama sa pag-aalaga sa kambal niyang anak. Naghintay na lang ako para makapagkolehiyo.
Noong Oktubre 2012, nagpunta na ako sa Quezon City para manirahan sa kuwarto namin noong nabubuhay pa si Papa. Dumalaw ang aking tiyuhin na si Johnny Uy at nakilala niya ako. Dapat maaga raw akong makapag-enrol para sa ikalawang semestre. Binigyan niya ako ng pera upang makapag-eksam sa University of the East.
Mabait ang aking tiyuhin, sabi niya, tumawag ako sa bahay nila kapag may gusto at may kailangan ako. BS Information Technology ang kinuha kong kurso sapagkat mahal ang bayad sa kursong gusto ko na BS Hotel and Restaurant Management. Nakapasa naman ako sa kursong BS IT pero sa hindi inaasahang pangyayari, naospital ang aking tiyuhin dahil sa sakit niyang
kanser. Mahigit dalawang buwan siyang nanatili sa ospital pero hindi na niya talaga kinaya ang sakit. Namatay siya noong Pebrero 2013.
Dahil dito ay hindi na ako natuloy sa UE. Kinabahan ako, baka hindi na naman ako makapag-aral sa taong 2013. Nag-eksam din ako sa Polytechnic University of the Philippines ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ako nakapasa sa kursong BS IT. Mas lalo akong kinabahan. Baka tuluyan nang hindi ako makapag-aral dahil mahirap lamang kami, hindi ako kayang pag-aralin ni Mama sa mamahaling unibersidad.
Sabi ng tiyahin kong nag-aral noon sa Philippine Cultural College, subukan kong mag-eksam dito dahil may mga scholarship dito. Sa kabutihang-palad, pumasa ako sa kursong gusto ko: BS Hotel and Restaurant Management.
Hindi ko na kinuha ang kursong BS-IT sapagkat iyon ay hindi ko talaga gusto. Iyon ang kinukuha ko noon dahil iyon lamang ang kursong kaya naming bayaran. BS HRM na ang pinili ko sapagkat mahilig akong magluto at mag-eksperimento sa pagkain. Ako rin ang palaging nagluluto sa aming bahay. Meron din itong scholarship, kaya libre ang aking pag-aaral at may nakukuha pa akong allowance buwan-buwan.
Para na rin sa Kalusugan
ni Janelyn Choi
Noong bata pa lang ako, mahilig na akong gumuhit. Nakasanayan ko ito dahil sa pagguhit ng tauhan sa mga palabas na anime tulad nina Sakura Kinomoto at Li Syaoran ng Card Captor Sakura at ni Sakura Haruno ng Naruto. Sinabi ko sa sarili na balang araw, ang kukunin kong kurso ay Fine Arts. Kaya unti-unti, nag-ipon na ako ng pera para sa kursong iyon.
Kaya lang, pagdating ko ng hayskul, nagkaroon kami ng problema sa pamilya at kailangan naming gumastos nang malaki para sa kalusugan ng aking papa. Mula noon, hindi ko na hinangad na makuha pa ang kursong gusto ko.
Noong 3rd year high school ako, naisip ng mga magulang ko na turuan akong magluto. Marunong naman akong magluto kahit noon pa pero gusto ng aking papa na mas humusay pa ako rito.
Para daw puwede kaming magtayo ng maliit na negosyo. Kaya nag-aral ako nang ng-aral niyon. Pero sa kabila ng maraming gawain para sa pagluluto, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagguhit ko.
Nalulungkot ako dahil Fine Arts talaga ang gusto kong kurso pero habang tumatagal, natatanggap ko na rin na baka hindi talaga ito para sa akin.
Noong 4th year na ako, pumunta ang mga taga-Philippine Cultural College Main Campus sa PCC Annex para ipakilala ang kolehiyong ito. Noon ko naisip ang potensiyal ko para sa kursong Hotel and Restaurant Management. Nalaman ko rin na nagbibigay sila ng scholarship. Dahil guro ang aking ina sa aming eskuwelahan, mas mura pa raw ang aming babayarang tuition fee sa PCC. Kaya kinuha ko na agad ang oportunidad para makapag-aral.
Simula noon, natuto na akong gumawa ng iba’t ibang putahe, at nakasanayan ko na ring magluto sa aming tahanan.
Ang pagguhit ko? Hindi ko itinitigil. Nakakatulong din kasi ito sa pagiging HRM student ko. Dahil dito, nakakapag-isip ako ng iba't ibang disenyo para sa mga cake at plating ng pagkain.
Pinili ko ang mag-aral dito sa PCC dahil sa scholarship. Makakamura at makakatipid talaga ang mga magulang ko. Kaya itong aking pag-aaral ay para na rin sa kalusugan ng aking papa.
Nang Magwakas ang Pangarap kong Maging Chef
ni Kristine Nouvelle Taneda
Noong nasa hayskul ako ay hindi ko pa alam ang kursong nais kong pag-aralan. Nagsimula akong mangarap na maging doktor dahil may sakit ang aking nanay at gusto ko siyang gamutin. Nang maglaon ay natuklasan kong hindi ako bagay maging doktor dahil takot ako sa dugo.
Sunod kong naging pangarap ay ang maging titser. Idolo ko noon ang titser ko sa asignaturang Ingles na magaling magturo. Ngunit nang malaman ng magulang kong iyon ang pangarap ko, kinausap nila ako. Sabi nila, mahirap maging guro at hindi ito bagay sa akin dahil bawal akong mapagod nang sobra.
Pagkatapos, pinangarap ko namang maging chef. Akala ko, ito na ang aking kapalaran. Napagdesisyunan ng magulang ko na pag-aralin na ako sa Kolehiyo ng St. Benilde. Ngunit ang pangarap na iyon ay mauuwi lamang sa wala dahil nang tumagal, napansin kong wala akong kakayahan sa kusina at takot ako sa mantika.
Pagkatapos niyon, wala na talaga akong kursong napusuan. Sa application form ng mga unibersidad ay kung ano-ano na ang kursong pinipili ko. Karamihan ay kursong pangnegosyo. Ngunit hindi ako pinalad na makapasa sa mga kursong aking napili dahil wala talaga ang puso ko sa mga iyon.
Naisip kong mag-entrance test sa Unibersidad ng De La Salle-Araneta at ang una kong piniling kurso ay Veterinary. Isa pa sa pinag-isipan kong kurso ang Tourism. Pumasa ako sa DLSAU ngunit hindi ako nakapag-aral doon dahil sa lokasyon nito. Delikado.
Napag-isip-isip ng aking magulang na pag-aralin ako sa Philippine Cultural College. Ayaw ko nang mag-aral sa Kolehiyo ng Chiang Kai Shek kung saan ako nagtapos ng high school. Nagsasawa na ako roon. Noong mag-entrance test ako sa PCC, ang una kong piniling kurso ay Tourism Management. Ang pangalawa ay Hotel and Restaurant Management.
Ang pangarap ko na lamang talaga sa buhay noon, nang magwakas ang pangarap kong maging chef, ay ang maging matagumpay. Sa kahit anong larangan.
Ngunit ngayon, may nais na akong makamit na trabaho. Kung hindi ako papalaring maging tour guide ay minimithi kong maging flight attendant. Bukod sa malaki ang suweldo ay makakapamasyal pa ako habang nagtatrabaho.
Ang hindi ko pagpasa sa mga unibersidad na aking pinangarap ay hindi ko dinamdam. Itinuturing kong kapalaran ang mapunta sa PCC at labis ko iyong ikinagagalak.
Noong Una…
ni Joshua S. Vacal
Noong una, ayaw ko rito sa Philippine Cultural College kasi ang gusto ko talaga ay makapasok sa malaking unibersidad sa Maynila. Sino ba namang estudyante ang ayaw pumasok sa isang malaki at magandang unibersidad?
Pero dahil gusto ng aking ina na sa PCC ako mag-aral at inirekomenda rin ito ng dati kong high school, nagpunta na ako rito. Aba, nakakuha agad ako ng 50% tuition fee scholarship noong unang semestre! Kinalaunan ay nagustuhan ko na rin ang mag-aral sa Philippine Cultural College. Mababait ang staff sa akin at sa mga kaklase ko.
Pinili ko ang BS Business Administration Major in Marketing Management dahil din sa aking ina. Pero ang gusto ko talagang kurso ay Physical Therapy o Pharmacy. Dahil dahil alam kong magastos ang kursong gusto kong kunin, sa Marketing Management na lang ako nag-enrol. Hindi ito masyadong magastos katulad ng ibang kurso. Di nagtagal, naging masaya ako sa aking napiling kurso. Medyo nangangamba lang ako dahil mahina ako sa math at may mga math subject sa Marketing Management.
Sa Aking Paaralan at Sa Aking Kurso
ni Gerome Go Chang
Hindi ko akalain na dito ako mag-aaral dahil hindi pa masyadong kilala ang Philippine Cultural College. Nakapasa rin ako sa University of the East sa kursong BS Political Science at sa San Beda College sa kursong BS Legal Management. May pagpipilian ako.
Subalit dahil sa payo ng aking guro noong high school pa ako na subukan ko raw na mag-enrol sa PCC ay napunta nga ako rito. Mas maganda raw na konti pa lamang ang populasyon nito at kasisimula pa lamang ng kolehiyo dahil mas matututukan ang bawat estudyante. Noong una, nag-alangan ako na mag-aral dito, pero nabanggit ko ang PCC sa aking magulang. Nagustuhan naman nila ito dahil malapit lang ang PCC sa aming tahanan at Chinese school pa ito. Sabi nila sa akin, subukan ko muna ang mag-aral sa PCC at kung sakaling hindi ko ito magustuhan ay saka ako lumipat sa iba.
Kaya natuloy na nga ako rito sa kursong BS Hotel and Restaurant Management. (Gusto ko sana ang kursong BS Political Science ngunit wala naman ang kursong iyan sa PCC.)
Pagpasok ko sa PCC, naging okey ito para sa akin. Ngayon ay kontento ako sa aking paaralan at sa aking kurso. Isa pa, may mga kaibigan na rin ako dito.
Yummy Career
ni Ralph Cedric Ngo
Ang kurso ko ay BS Hotel and Restaurant Management. Pinili ko ito dahil gusto ko pang matutong magluto ng iba’t ibang putahe. Ako ay masayang-masaya dahil ang kursong ito ay makapagbibigay sa akin ng maraming oportunidad. Puwede akong magtrabaho sa restaurant, airline at cruise. Malaking advantage sa akin ang matutong magluto ng iba’t ibang klase ng pagkain dahil maaari ko itong magamit sa iba’t ibang paraan.
Sa ngayon, nakakapagluto na ako ng Tempura, Squid Broth, Beef Consommé, Calamares, Lumpiang Hubad, Chicken Cream Soup, at Cream Dory. Nakagawa na rin ako ng mayonnaise gamit ang itlog. Nakagawa na rin ako ng Chef’s Salad, Mixed Salad, Vinaigrette Salad at mga dressing katulad ng Tartar Sauce, Vinaigrette at Cocktail Dressing.
Yummy career, hindi ba?
Katahimikan, Kadaldalan, Kaibigan
ni Jemlyn B. Salvado
Ako iyong tipo ng taong hindi palakaibigan. Iyong tipong hindi magsasalita kapag hindi ako kakausapin. Kung sino lang iyong pumapansin at kumakausap sa akin, ‘yon lang ang pinapakisamahan ko. Subalit depende pa rin sa ugali ng taong kumakausap sa akin. Siyempre, kinikilala ko muna siya.
Kung grupo ang kumausap sa akin, madalas, pinapakisamahan ko sila sa kung ano ang gusto nilang gawin o kung saan nila gustong pumunta pero ganon pa rin ako, madalas na hindi kumikibo, lalo na kapag hindi ko nagustuhan ang ugali ng kausap ko. Kaya nagsasalita lang ako kung may nagtatanong sa akin.
Noong mga unang araw ng klase, tahimik lamang ako. Kinaibigan ako nina Camille Deidree, Danica, Phoebe Chloe at Christine. Sila ang una kong mga kaibigan sa Philippine Cultural College. Marami silang lakad na pinupuntahan at lagi nila akong niyaya. Kaya sila ang kasama ko tuwing nagtatanghalian at namamasyal.
Si Camille ay maganda, palakaibigang tao at mabait. Nasasabihan ko rin siya kapag may problema ako. Si Phoebe Chloe naman ay tahimik noong una. Nakilala ko siya noong oryentasyon. Nang magtagal, madaldal pala siya at matulungin. Si Danica ay mabait pero medyo mataray. Mahiyain din siya kapag hindi niya masyadong kalapit ang isang tao. Si Christine ay mabait at palakaibigan din. Mahilig siyang magpatawa, lagi niyang pinapatawa noon ang aming grupo.
Masaya silang kasama kaso, minsan, naiinis na sila sa akin dahil ang tahimik ko raw. Nahihiya kasi ako sa kanila. Masyado silang sosyal at hindi ako komportable sapagkat hindi ko sila kayang sabayan.
Dalawang buwan lang kaming nagkasama-sama. Humiwalay na ako sa kanila at naging kaibigan ko naman sina Fresly at Pet. Nakasama ko rin silang mamasyal. Naging madaldal ako noong sila ang kasama ko at hindi na rin ako nahihiya dahil simple sila at nakakasundo kong talaga. Masayahin din sila, lagi kasing nagpapatawa si Pet.
Sa ngayon, hindi ko na sila madalas na nakakasama, Pero nagkukuwentuhan pa rin kami kapag may libreng oras sa eskuwela. Hindi ko kasi sila kapareho ng kurso. BS Information Technology ang kurso nila, BS Hotel and Restaurant Management ang kinuha ko. Mahilig akong magluto. (Gusto kong magkaroon ng sariling restaurant pagdating ng tamang panahon at pag kaya ko nang magpatakbo ng restaurant.)
Sa kasalukuyan, JeRiAnNS ang tawag sa grupo ng pinakamatalik kong mga kaibigan. Ang JeRiAnNS ay mula sa pinagsama-samang pangalan ng bawat isa sa grupo. Ang Je ay nakuha sa pangalan kong Jemlyn. Ang Ri ay mula sa pangalan ni Rizza Mhae. Ang An ay galing sa Anjanette. Ang N ay mula sa Nouvelle at ang S ay galing sa Shiella Mhay.
Naging mas masaya ako sa piling nila dahil wala silang arte. Hindi rin ako nahihiya kapag kasama sila. Halos magkakapareho ang gusto namin, halimbawa ay kung saan kakain at kung saan pupunta, kaya komportable ako.
Si Rizza ay kumukuha ng kursong BS Tourism Management. Nakatira siya sa Caloocan. Mahilig siya sa damit at sapatos. Mahilig din siyang mag-Facebook para tingnan ang larawan ng hinahangaan niyang mga artista. Isa si Rizza Mhae sa mga nakilala ko noong unang araw ng klase. Kinausap niya ako at nagpakilala siya sa akin kasama si Aprillin. Magkaklase raw sila noon sa isang hayskul ng mga Tsino. Unang beses ko pa lang na nakakausap si Rizza ay alam ko nang napaka-palakaibigan niya. Sabi niya, kung gusto ko raw sumama sa kanila ay okay na okay daw iyon. (Ngunit hindi nga ako nakasama sa kanila sapagkat nauna kong naging kaibigan sina Camille. Nahihiya naman ako kung sasama pa ako sa grupo nina Rizza at baka magalit at kung ano pa ang masabi nina Camille sa akin. Kaya noong hindi na ako sumasama sa grupo nina Camille ay nagpunta na ako sa grupo nina Rizza.)
Noong una ko namang makita si Kristine Nouvelle ay inakala kong suplada at maarte ito. Ngunit nang magtagal ay nagkasundo kami sa lahat ng bagay tulad ng hilig sa papanoorin at musikang papakinggan. Pareho din kaming mahilig gumala kung saan-saan. Hindi kami magkapareho ng kurso subalit kaklase ko siya sa lahat ng asignatura noong una at ngayong ikalawang semestre. BS Tourism Management ang kinukuha ni Kristine. Gusto raw niyang maging tour guide pagkatapos. Labimpitong taong gulang si Kristine at naninirahan sa Caloocan. Mabait at masunurin siya sa kanyang mga magulang at kahit sa amin na mga kaibigan niya. Mapagbigay din siya. Sa kanya ako nagpapatulong minsan kapag may mga asignatura kami tulad ng paggawa ng reaction paper. Dahil wala akong kompyuter sa bahay at minsan, puno ang library kung saan ako gumagawa ng mga asignatura, nakikiusap ako sa kanyang i-type ang reaction paper ko sa kanilang kompyuter.
Nang una ko namang makilala si Anjanette, tahimik lamang ito. Hindi rin nagsasalita kapag hindi tinatanong o kinakausap. May pagkamataray minsan (ngunit depende sa sitwasyon). Taga-Bulacan si AJ (ang kanyang palayaw) ngunit tumutuloy siya ngayon sa Sto. Domingo St., Quezon City sa kanyang tiyahin. Tulad ko, siya rin ay isang iskolar ng Philippine Cultural College sa kursong Hotel and Restaurant Management. Siya ay maglalabingwalong taong gulang ngayong ika-labingwalo ng Pebrero. Masipag siyang mag-aral at hindi lumiliban sa klase. Siya ay responsable sa anumang pinapagawa ng guro o ng kanyang tita. Mahilig siyang magbasa sa Wattpad kapag mayroon siyang libreng oras. Mahilig din siyang mag-dekorasyon ng cake.
Si Shiella Mhay ay mabait na kaibigan. Mahilig din siyang manlibre ng pagkain lalo na kapag kinakapos kami sa baon. Minsan, isa siya sa nag-aabono kapag namamalengke kami para sa lulutuin namin sa aming culinary subject (na hawak ni Chef Ventura Ermetanio). Si Sheillah ay nakatira sa Pasay kasama ang kanyang ina (hiwalay na ang kanyang mga magulang). Mahilig siyang gumastos para sa mga bagay na hindi niya kailangan at para sa mga bagay na ibinibigay niya sa mga kaibigan. Mahilig din siyang maglaro ng mga gadget.
Naging sobrang madaldal ako sa grupong ito. Sila ang kasama ko sa lahat ng saya. Magkaramay kami sa lahat ng problema. Nagsasabihan kami ng mga problema kahit tungkol lang sa paggawa ng mga asignatura. Sabay-sabay kaming nag-aaral kapag may mahabang pagsusulit at nagtutulungan kami kapag may mga proyektong tulad ng mga pananaliksik at pagkumpleto sa mga kahingian upang makapasa sa isang kurso.
Sobrang laki ng aking pasasalamat ko sa Poong Maykapal na nakilala at dumating sa buhay ko ang JeRiAnNS.
Subscribe to:
Posts (Atom)